Dati | (c) Sam Concepcion, Tippy Dos Santos, & Quest | #AgsuntaUploads ft. Zhalia Agsunta Follow
"Diba't ikaw nga yung REYNA at ako ang 'yong HARI..."
Naaalala mo pa ba yung DATI? Yung DATING napakasaya pa ninyo, yung dati na kala mo LARO pero hindi naman talaga yun LARO para sayo? Yung dati na akala mo TOTOO, yung dati na nagturo sayo na hindi lahat ng bagay sa mundo ay para sayo, na minsan kahit anong gawin mo, kahit ipagpilitan mo, ang HINDI PARA SAYO, hindi talaga para sayo...
Pero kami? Para sayo kami! Wahahaha! Kaya makinig ka na lang at manuod nitong first webisode namin ng aming #AgsuntaJamSessions sa taong ito, kasama ang DAVAO's Pride at kapatid din namin sa PPL Entertainment Inc. na Zhalia! Here's our twisted version of the SONG Dati by Sam Concepcion and Tippy Dos Santos ft. Quest. Sana po ay magustuhan niyo! Tamang tama sa buwan ng mga PUSO... ?
This single was released in 2004 pero ang message sapul pa din! Panalo talaga ang Liwanag Sa Dilim ng Rivermaya! We hope you like our version for today's #AgsuntaSongRequests! Please LIKE, SHARE, and COMMENT! #SupportOPM #TeamAgsunta | Visit www.agsunta.com for more OPM covers!
...
https://www.youtube.com/watch?v=5580KiU7HW4
“Ikaw ang UNA’T HULING, PAGIBIG ng BUHAY ko...”
Pagmamahal? Pagmamahal na walang sinusukuan, pagmamahal na lumalaban, pagmamahal na umaabot hanggang sa dulo ng walang hanggan. Pagmamahal na walang takot at walang sinasanto,Pagmamahalang Ikaw at Ako. Pagmamahal na sing linaw ng langit na bughaw, hanggang sa dulo AKO at IKAW. Ang una’t huling pag ibig, twing kelan nga lang ba natin ito maririnig? Marahil minsa’y parang pangarap lang na bihirang makamit. Sa ibang tao ay napakadali sa iba ay kailangang pang mag antay ng daan daang awit, iba iba man ang ating panahon isa lang ang sigurado, someday sa buhay mo... merong someone na makikilala mo, babaguhin ang bawat takbo ng buhay mo, pag nakita mo na to, malalaman mo, SIYA na ang UNA’T HULING PAGIBIG MO...
Kaya naman kami? Nako! Pagibig namin ay KAYO dahil mahal nating lahat ang OPM, kaya naman heto ang alay namin sainyo isang makabagbag damdaming awitin galing kay Ms Yeng Constantino na “Una’t Huling Pag-Ibig” para sa lahat ng taong minsang nagmahal ng lubos...
Kasama namin dito ang isang napakagaling na artist from #TeamBamboo o #KampKawayan ng The Voice Season 1 na si Nicole Parada!!! Here’s our version of Una’t Huling Pag ibig! Sana magustuhan niyo! ???
...
https://www.youtube.com/watch?v=h0xAzK26zXo
“Ako’y alipin ng pag ibig mo, handang ibigin ang isang tulad mo...”
Alipin, marahil napaka daling sabihin ng iilan saatin pero alam niyo ba ang ibig sabihin ng alipin? Ang pagiging alipin ay isang bagay na kumbaga eh parang you are giving yourself away for that person, parang willing ka na utus-utusan, hindi pansinin pag hindi ka kailangan, willing ka magpaka alipin, selfless kumbaga, okay lang, handa kang gawin ang lahat para lang sayong mahal, alipin ang tawag dun diba? Pero minsan, tama pa ba na nag papa alipin ka? baka kasi minsan alipin ka nalang pala ng pinang hahawakan mong alaala na hindi na kailanman magiging katotohanan pa, pero sabe nga nila, LOVE has its own ways kahit bali-baligtarin pa natin ang mundo, pag mahal mo, mahal mo, saktan ka man o mahalin din, uuwi't uwi ka parin, sa pagiging alipin.
Kaya okay lang ba na kami naman muna ang maging alipin ng pagibig niyo? Wahaha! Here’s our own version of BULONG by December Avenue
Sana po magustuhan niyo!
...
https://www.youtube.com/watch?v=iIJ0_wBuJIk
Para sa mga hopeless romantic - para sa inyong lahat ang #AgsuntaSongRequests webisode today! We hope you fall in love with our version of Forevermore by Side A. Please LIKE, SHARE, and COMMENT! #SupportOPM #TeamAgsunta | Visit www.agsunta.com for more OPM covers!
...
https://www.youtube.com/watch?v=oZqz7Yo6ULI
To Silent Sanctuary fans, today's #AgsuntaSongRequests webisode is for all of you! Here's our version of Di Na Kita Mahal. Sana magustuhan nyo!
Please LIKE, SHARE, and COMMENT! #SupportOPM #TeamAgsunta | Visit www.agsunta.com for more OPM covers!
...
https://www.youtube.com/watch?v=uhGHc5ps6SE
“Kung di rin TAYO sa HULI, aawatin ang SARILI na UMIBIG pang MULI....”
Kung hindi rin lang ikaw? Hindi nalang, hindi nalang ako magmamahal. Hindi nalang ako mangangarap na magkaroon pa ng larawan ng kinabukasan sana nating dalawa, hindi nalang ako hihiling sa langit na ang mga landas natin ay pagsamahin pa, kung di rin lang ikaw, hindi nalang sana ako natutong magmahal ng sobra sobra. Kung di rin lang ikaw, sana.... Sana, ikaw nalang.
One way or another alam naming nakaka ReL8 ka, taas kamay ??♀️??♂️??♀️??♂️ sa mga marurupok jan na labis labis labis kung magmahal. Wala namang masama sa magmahal, warning lang kase pag nagmahal ka, SUGAL yan umasa ka na mayroong masasaya pero merong ding mga masasalimuot na madarama at minsan ung akala mong SIYA na, ay DADAAN lang pala. Bandang huli, di ka dapat manghinayang kasi kahit ano pa nangyare, for once sumaya ka naman diba? and at least, ang pinaka mahalaga doon, ay natuto ka.
Kaya eto, tuturuan namin kayo pano maging matatag ha? Here’s our version of Kung Di Rin Lang Ikaw by December Avenue and Moira Dela Torre featuring The Gamer Girl na si Ashley Gosiengfiao ????
...
https://www.youtube.com/watch?v=5s638S9B4MM
"O kay bilis naman maglaho ng pag ibig mo sinta, daig mo pa ang isang kisapmata..."
Naniniwala ka ba sa kasabihan ng matatanda na, "Mabilis makuha, mabilis rin mawala..." minsan totoo minsan din naman hindi, pero nangyayare yan sa totoong buhay at sure kami marami na satin ang nakaranas neto, kaya heto ang handog namin sainyo ngayon... KISAPMATA by Rivermaya kasama din namin dito ang isa sa mga pinaka kontrobersyal na na guest namin na si Reign Andi
...
https://www.youtube.com/watch?v=xxQKUdgvZ3Y
"Gulong gulo ang puso, saan ba to patungo? Di ko alam, Di ko alam..."
Nasubukan niyo na bang umasa sa wala? Yung akala mo walang hanggan pero, ano? Nasan na siya? Anyare sainyo? Hehe! Don't worry, 'di ka nag iisa, sama-sama nating panoorin ang #AgsuntaSongRequests webisode for this week, WALANG HANGGAN by Quest!
Maraming salamat kay Jaypee sa pagtugtog ng cello!
PS: RIP sa mga pangako mong napunta lang sa kawalan...
...
https://www.youtube.com/watch?v=H19Zs3mMMw4