Published 5/9/2020
Its fresh pick green chilli inside mix seafood ,shitake mushroom,cheese and covered with especial homemade wrapper serve with special sauce.
Published
30/4/2020
Nagulat ako kaninang umaga sabi ng anak ko, ma bibili ako ng bigas ibibigay ko sa mga kapitbahay na walang natanggap na ayuda. Napagisip ako at natuwa dahil sa natanggap nyang scholar kay mayor na 5k eh 1,500 lang ang hawak nya at sa akin napunta ang iba. Naisip pala nya ang ibang tao na naghihirap sa panahon ng covid 19.Kaya bumili sya ng 25kls. na bigas binalot balot nya na tag iisang kilo nang sa ganon ay marami ang mabigyan. Nakita ko ang saya sa mukha ng anak ko sa isipisip ko "hindi siguro sya kuntento kung di niya mai share sa ibang tao ang blessing na kanyang natanggap" kayat agad ko syang tinulungan para maipamigay sa kapitbahay na walang wala. Bilang isang ina ang ganda ng pakiramdam dahil may anak akong mabait at marunong sa kapwa, siguro kung may trabaho sya at may malaking suweldo hindi lang ito ang maibibigay niya. Nang matapos kaming mamigay nakita ko sa mukha niya ang saya dahil sa mga naririnig nya "Thank you at Salamat" ay nakakaluwag na sa puso.
Published
30/1/2020
Ayon sa mag-aaral, nagtitiyaga siyang pumunta sa bundok simula pa noong Marso 14 upang makapasok sa online class at hindi ma-late sa pagsusumite ng requirements.
Kahit maluwag daw ang kanilang mga propesor, nais pa rin niyang matapos ang asignatura at makapag-exam din.
Inaabot umano si Berdida ng 30 minuto hanggang isang oras sa paglalakad bago makarating taas ng bundok.
Hindi na nakaluwas ng Maynila ang estudyante dahil naabutan ito ng lockdown sa Masbate.
Gusto lang daw ng dalaga na ipost sa social media ang karanasan sa pag-aaral at walang intensyon na siraan ang Mapua University.
Siniguro rin ng pamantasan na walang maapektuhang grado kung hindi siya makapagpadala ng requirements o maka-catch up sa pagsusulit.
Matatandaang sinusupinde ang lahat ng klase sa Luzon dahil sa peligrong dala ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).